Thursday, June 4, 2009

paunang salita

Ang tahanang ito ay pagmamay-ari ng nag-iisang Alipin ng Kahirapan.
Ito ang magsisilbing pangalawa niyang hideout dito sa blogosperyo.
Kaya lang, subalit, datapwat, ganun pa man,
Pinapayuhan ang lahat ng magtatangkang bumasa sa pahinang ito
Na wala kayong anumang mapupulot dito
Bukod sa mga aral kung saan kinakailangan mo pang pigain
At sagarin ang kahuli-huliang bahagi ng inyong nervous system
Upang tukuyin lamang ang molar este moral lesson ng kwento.
Oo. Hindi kayo namamalikmata. Tumpak ang iniisip mo.
Ang blog na ito ay maglalaman ng mga literary works (ehem)
Tulad ng maikling kwento, tula atbp.
Pero wala akong maipapangakong magandang istorya sa ngayon.
Parang awa niyo na, maghintay lang muna.
Hanggang sa mangkaroon ako ng sapat na imahinasyon
Upang gumawa ng kahit isang talatang istorya.
Kelangan ko lang munang
Langhapin lahat ng usok ng tambotso at katol.
Habang tinotoma ang isang galong tubig ng baterya.
Ganun pa man. Welcome sa inyong lahat.
Labis akong nagagalak at kayong pumarito.
Kitakitz mga repapipz.